-- Advertisements --
Aabot sa 93.2 percent ng mga guro at school personnel na sasali sa pilot implementation ng face-to-face classes ang bakunado na kontra COVID-19, ayon sa Department of Education (DepEd).
Pagtitiyak ito ng kagawaran para masiguro na rin sa mga magulang ng mga mag-aaral ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa kasagsagan ng face-to-face classes.
Samantala, muling binagyan diin ng DepEd na voluntary lamang ang partisipasyon ng mga estudyante sa pilot in-person classes.
Ang makikibahagi rito ay kailangan nang prents consent na nagpapakita nang pagpahintulot ng mga ito sa kanilang mga anak na tumuloy sa face-to-face classes.