-- Advertisements --

Nasa kabuuang 1,751 na mga quarantine violators ang nananatiling nakakulong ngayon habang nasa 124,527 naman ang pinalaya simula ng magsimula ng Covid-19 pandemic sa bansa.

Welcome naman sa DILG ang panawagan ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta sa lahat ng mga Huwes sa buong bansa na palayain na ang mga detained quarantine violators nang sa gayon ma-decongest ang mga mga detention facilities ng PNP.

Agad namang palalayain ang mga ito sa sandaling makapag piyansa na ang mga ito.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, karamihan sa mga nakakulong ay nahaharap sa kasong resistance and disobedience to a person in authority.

Sa datos ng JTF Covid Shield, simula March 17 hanggang October 23 nasa 489,044 na ang naitalang lumabag sa quarantine at curfew sa buong bansa.

Sa nasabing bilang 175,327 o 36 percent dito ang binalaan, 189,190 o 38 percent ang pinagmulta.

Habang nasa 89,870 o 72 percent ang immediately released for regular filing, habang 34,657 ang isinailalim sa inquest proceedings.