NAGA CITY – Aabot sa 258,383 estudyante na ang nagparehistro sa isinasagawang early registration ng Department of Education(DepEd)-Bicol sa School Year 2021-2022.
Sa datos ng DepEd-Bicol napag-alaman na mula sa latest tally ay 128,009 dito ang lalaki habang 130,374 naman ang babae.
Ang bilang na ito ay nakuha mula sa 3,740 paaralan sa rehiyon.
Ayon sa DepEd-Bicol, aabot sa 57,415 ang nakapagparehistro para sa Kindergarten; 93,135 ang sa Grade 1; 54,858 ang sa sa Grade 7; habang 52,975 naman ang para sa Grade 11.
Hinihikayat din ng ahensya ang mga paaralan na sundin ang remote application sa pamamagitan ng online o text para maiwasan ang mga face to face activity.
Sa ngayon maaari rin umanong magpasa na lamang ng form sa mga drop box ng ahensya lalo na sa mga lugar o barangay na nakasailalim pa rin giraray sa General Community Quarantin (GCQ), Modified Community Quarantine (MECQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).










