-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang babae matapos itong maaresto ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation noong Huwebes Setyembre 22 sa Tagbilaran City Bohol.

Nakilala ang naaresto na si Gemuba Librada Ras Alcala, 33 anyos at residente ng Brgy. Yanangan, Loay, Bohol.

Nakumpiska mula sa poisiyon ni Alcala ang 255 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,734,000.

Ayon sa pulisya, ang nasabing operasyon ay isa pa umanong patunay na patuloy pa ang ginagawa nilang paghahabol sa mga indibidwal na nasa likod ng illegal drug trade.

Nahaharap ngayon ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.