
Inirekomenda na ng Bureau of Immigration na ilagay sa blacklist ang Australian national na high profile hacker sa kanilang bansa.
Kasunod pa rin ito ng pagkakaharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Australian hacker na makapasok sa Pilipinas.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ng Immigration bureau ang nakaharang sa suspek na si Risteski Borche, 40-anyos.
Lulan ito ng Cebu Pacific flight mula sa Sydney, Australia sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Si Risteski ay Australian pero Macedonian ang mga magulang ay subject ng interpol alert.
Si Risteski ay sinasabing wanted sa Macedonia dahil sa hindi otorisadong pagpasok nito sa kanilang computer system na paglabag sa Article 251 ng criminal code ng Republic ng Macedonia.
Nahaharap ito sa apat na taong pagkakulong sa naturang bansa.










