-- Advertisements --

Inihahanda na ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa consignee ng high-grade marijuana o kush.

Ayon sa BOC, unang idineklarang limang pirasong damit ang nasabing package na naka-address sa isang Aura Talob ng Davao City.

Pagkabukas ng nasabing package ay tumambad ang nasa 533 gramo ng kush o high grade marijuana na nagkakahalaga ng P852,000.

Base sa imbestigasyon, nakakuha sila ng impormasyon na may parating na iligal na droga sa Central Mail Exchange sa Pasay City at ng siyasatin ay nagpositibo na mga kontrabando.

Ipinasakamay na sa PDEA ang nasabing droga habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.