-- Advertisements --

Pumirma ng isang taon kontrata sa TNT KaTropa si Biran Heruela.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang paglalaro nito sa Phoenix noong 2020 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni TNT team manager Gabby Cui na malugod nilang tinatanggap muli si Heruela sa TNT Tropang Giga.

Isa aniyang beterano na sa depensa ang nasabing basketbolista.

Huling naglaro sa Tropang Giga si Herueala noong 2019 Governor’s Cup kung saan tinalo sila ng San Miguel Beermen sa finals.