-- Advertisements --
Tatlong beses na napabagsak ni heavyweight boxer Andy Ruiz ang boksingerong si Luiz “Kingkong” Ortiz patungo sa tagumpay sa pamamagitan ng unanimous decision nitong Lunes.
Dahil dito ang Mexican boxer ay meron ng 35 panalo kung saan ang 22 ay via knockouts, at meron pa lamang dalawang talo.
Samantala, ang kanyang katunggali na si Ortiz ay mayroon namang 33 panalo, at dalawang talo.
Una rito, dalawang beses napabagsak ni Ruiz ang 43-anyos na si Ortiz sa second round at sa seventh round.
Samantala, kahit na maga na ang mukha ni Ortiz hindi pa rin ito nagpatinag at nakabawi nang makasapul sa mga suntok.
Ayon kay Ruiz, pinaghandaan niya ng husto ang laban lalo na at kilalang malakas sumuntok at warrior sa itaas ng ring si Ortiz.