-- Advertisements --
Inaasahan ang matinding trapiko sa paligid ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa darating na Sabado, Mayo 18, dahil sa gaganaping K-Pop concert.
Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Pinapayuhan ang mga motorista na tiyaking may sapat na load ang kanilang Easytrip RFID at maglaan ng mas mahabang oras sa biyahe.
Pinapayuhan din ang mga concertgoers na dumaan sa Ciudad de Victoria exit, habang ang mga regular na biyahero patungong Bocaue o Santa Maria ay pinayuhang gumamit ng alternatibong ruta gaya ng Marilao, Bocaue, o Tambubong exits.
Samantala, inanunsyo rin ng Easytrip Corporation na pansamantalang hindi magagamit ang ilang RFID services, kabilang ang reloading, mula Mayo 19 hanggang 20 dahil sa system maintenance.