-- Advertisements --
bam adebayo jimmy butler miami heat

Balik na sa unang practice ang dalawang star players ng Miami Heat na sina Bam Adebayo at Kindrick Nunn matapos na gumaling sa COVID-19.

Humabol sa practice ang dalawa sa Walt Disney campus sa Orlando, Florida dahil sumailalim muna ang mga ito sa quarantine hanggang sa gumaling na sa coronavirus.

Ayon sa All-Star big man na si Adebayo, maganda ang kanyang pakiramdam at masaya siya na makasama muli ang kanyang mga teammates.

Inamin naman ng Filipino American head coach na si Erik Spoelstra, gigil na gigil daw sina Adebayo at Nunn na makabalik kaya hindi na raw nagpapigil sa pagsabak kaagad sa praktis sa court.

Ilan naman sa naikwento ni Abebayo, masyado raw “boring” habang siya ay nasa quarantine period dahil asymtomatic naman siya at walang nararamdaman na sakit sa katawan.

Samantala, bukas araw ng Linggo posible raw na makasama na rin sa exhibition game ang dalawa sa laro kontra Utah Jazz bilang bahagi pa rin nang pagpapakondisyon ng 22 mga teams bago ang pagpapatuloy muli ng NBA season games sa July 31.