-- Advertisements --
Heart ukay 2

Proud na inirampa ni Heart Evangelista ang mga nabili nito sa kanyang ukay-ukay trip sa Sorsogon.

Ayon sa 35-year-old socialite, mis na kasi nito ang “Fashion Week” sa New York kaya namasyal na lamang sa hometown ng napang-asawang si dating Sen. “Chiz” Escudero para ma-update na rin ang kanyang pagiging fashionista.

Makikita sa kanyang vlog (video blog) ang paglilibot sa iba’t ibang ukay-ukay shops habang may suot ng face mask kung saan tuwang-tuwa ang celebrity wife ng ngayo’y Sorsogon governor.

May mga napili kasi itong damit na nagkakahalaga lamang ng P20 hanggang P300.

Sa huli, ipinakita rin ni Mrs. Escudero ang pag-disinfect sa mga nahakot na damit sa ukay-ukay at hindi rin daw niya ito on the spot na sinukat.