-- Advertisements --

Naniniwala si Heart Evangelista na nakatadhana para sa kanya ang pagkakaroon ng show sa isang American subscription streaming service and production company.

Pahayag ito ng 36-year-old socialite actress kasunod ng pagkumpirma na magiging tampok siya sa bagong Netflix series.

Pero ayon kay Heart o Love Marie Payawal Ongpauco sa tunay na buhay, hindi niya lang alam kung kailan ipapalabas ang natapos na nitong taping sa naturang show.

“Kasi with anything abroad siguro, parang ‘di mo siya aasahan, because it’s really destiny for me if you want to achieve anything in Hollywood,” saad nito sa GMANews.

Una nang naging usap-usapan na magiging bahagi ang misis ni Sen. “Chiz” Escudero sa second season ng Netflix reality show na “Bling Empire.”

Patungkol ang nasabing palabas sa marangyang buhay ng magkakaibigang Asian at Asian-American sa Los Angeles.