-- Advertisements --

Sinisiguro pa rin ng Department of Tourism (DoT) na nasusunod ang pinapatupad na minimum health protocols sa mga turistang dumadating sa bansa.

Kasunod ito sa halos 200 mga Chinese tourist ang dumating sa bansa kahapon mula ng luwagan ng travel restriction.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Fracso, na standard operating procedure pa rin ang kanilang ipinapatupad sa mga turistang dumarating sa bansa.

Isa na inihilambawa nito na kapag ang turista ay hindi bakunado laban sa COVID-19 ay hinahanapan pa rin nila ang mga ito ng negatibong pre-departure antigen o RT-PCR test bago bumiyahe o pagdating sa bansa.

-- Advertisement --

Inaasahan pa nito na sa mga susunod na mga araw ay madadagdagan pa ang bilang ng mga turistang Chinese sa bansa.

Pangalawa kasi sa South Korea ang China na pinakamaraming bumisita sa bansa noong 2019.