Pinahirapan muna ng Dallas Mavericks ang karibal na team bago sila tuluyang naigupo ng Houston Rockets sa overtime 153-149.
Kumayod ng husto si James Harden sa pamamagitan ng 49 puntos, 9 rebounds at 8 assists sa kanilang first game sa NBA bubble sa Florida.
Bago ang overtime naging dikitan pa ang score sa regulation sa huling sandali.
Kahit man huling dumating si Russell Westbrook nakaambag pa rin ito ng 31 puntos na halatang inaalat pa na kagagaling lamang sa pagpapagaling matapos na dapuan ng COVID-19 kamakailan. Gayunman meron din siyang 11 rebounds at 8 assists.
Para sa Mavs itinuturing nilang masaklap ang pagkatalo lalo na at nagtrabaho ng husto ito at nakamit pa ng point guard Luka Doncic ang triple double performance na may 28 points, 13 rebounds at 10 assists.
Si Kristapz Porzingis ay may 39 points at 13 rebounds para sa Mavs.
Dahil naman sa panalo gumanda pa ang record ng Houston sa 41-24 samantalang napako sa 40-28 ang Mavs.
















