-- Advertisements --

Umaabot na sa walong mga NBA players ang nagbigay na rin ng kumpirmasyon na sila ay papayag na maging bahagi ng 12-man team na sasabak sa Tokyo Olympics simula sa susunod na buwan.

Pinakabagong nagbigay ng go signal ay su James harden ng Brooklyn Nets.

Kung maalala nito lamang nakalipas na linggo nalaglag ang team ni Harden na umusad pa sa NBA conference finals.

Kabilang pa sa nagbigay din ng commitment sa USA Basketball team ay ang big man ng Miami na si Bam Adebayo.

Ang iba pang sasali rin sa USA Team ay ang Brooklyn Nets star na si Kevin Durant, mula sa Golden State Draymond Green, Washington Wizards Bradley Beal, Boston Jayson Tatum, Phoenix Suns Devin Booker at si Portland Damian Lillard.

Sinasabing meron na ring nakareserba na slot para sa scoring champion mula sa Warriors na si Stephen Curry.