-- Advertisements --
Ikinakabahala rin ng Europa ang ginagawang harassment ng China sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.
Sinabi ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na ang mga delikadong pagmamaneobra ng mga barko ng China laban sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay nagpapakita ng paglabag sa international law at freedom of navigation.
Ang nasabing problema ay tiyak na magdudulot ng krisis sa nasabing rehiyon.
Magugunitang nasa Pilipinas si Baerbock at nakasalamuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan natalakay ang ilang usapin sa pulitika at ekonomiya.










