-- Advertisements --

Kinumpirma ng Cebu City Police Office (CCPO) na umabot sa kabuuang P17,971,584 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga operasyon mula Oktubre 1 hanggang 8.

Nilinaw ni PLt. Col Wilbert Parilla, hindi pa umano ito nangangahulugan na talamak ang ilegal na droga sa lungsod dahil sa laki ng drogang nakumpiska.

Resulta pa umano ito sa walang humpay na pagsisikap ng PNP at patuloy na pagsagawa ng mga follow-up operations.

Maliban pa, wala na umanong mga interbensyon na posibleng mga pulis ang protector sa mga drug suspek.

Samantala, sa isyu naman ng pag recycle sa ilegal na droga, nilinaw ni Parilla na wala umanong paraan na marecycle ang mga ito dahil aniya lahat ng mga drogang kanilang nakumpiska ay ituturnover nila sa PDEA. Mayroon din umanong isasagawang inventory at sasaksihan pa ang disposal nito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga ahensya.