-- Advertisements --
philippine embassy in jordan

Buhos ang request sa Philippine Embassy sa Jordan mula sa mga nakipag-ugnayan para sa repatriation.
Sa gitna ito ng tumitinding bakbakan sa Gaza Strip sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.
Sa initial data, siyam na pamilyang Pilipino ang naghahangad na makauwi na sa ating bansa sa lalong madaling panahon.
Ayon pa sa embahada, 38 sa mga ito ay para sa repatriation ay Filipino nationals, habang 11 ang Palestinian na asawa ng mga Pinoy.
May 17 din sa 38 Filipino nationals ang mga menor de edad at nasa edad na dalawa hanggang 15.
Patuloy namang pinag-iingat ng Philippine Embassy ang mga Pilipinong malapit sa Gaza Strip at maging alerto para sa anumang advisory ng mga ahensya ng pamahalaan, para sa kanilang kaligtasan.