Kukuha ng karagdagang 2,855 na mga health workers ang gobyerno para sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa kabuuang 9,365 na kailangang health workers, napunan na ang 6,510 posisyon o katumbas ng 69.51 percent.
Ayon kay Sec. Nograles, patuloy ang pagre-recruit ng gobyerno sa mga health workers para hindi bugbog sa trabaho ang mga ito at makapahinga.
Sa pinakahuling data ng Department of Health (DOH) 5,096 ang confirmed COVID-19 cases sa mga health workers kung saan 405 ang active cases.
Nitong Linggo, pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan ng mga healthworkers na muling ibalik ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal sa modified enhanced community quarantine (MECQ) kahit dalawang linggo lang.
















