-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Tinangay ng baha ang ilang kabahayan habang nagtala rin ng partially damages ang iba pa bunsod sa epekto ng dumaan na Low Pressure Area (LPA) sa bisinidad ng Northern Mindanao.

Ito ang kompirmasyon ni Misamis Oriental Provincial Disaster Risk and Reduction Office officer-in-charge Floy Francisco nang tamaan ng mga pag-ulan na nag-resulta ng mga pagbaha ang ilang bayan ng primiero distrito ng Misamis Oriental.

Sinabi ni Francisco na nasa halos 300 pamilya ang ipinalikas sa mas ligtas na lugar dahil tumaas ang tubig-baha sa ilog na sakop ng Barangay Ines,bayan ng Talisayan ng lalawigan.

Bagamat walang naiulat na mayroong residente na sugatan o kaya’y missing nang rumaragasa ang baha sa lugar.

Samantala,nasa halos 10 na kabahayan rin ang sinira ng baha mula sa Barangay Portulin,Medina ng lalawigan.

Maliban sa pagbaha na tumama sa siyam na barangay at naitala rin ang pagguho ng lupa sa Sitio Mimbolo habang pansamantalang hindi muna bukas para sa publiko ang ilang resorts at cold springs dahil napasukan ng mga pagbaha.