-- Advertisements --
LRT2

Umabot sa 1,911 ang nabigyan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2 para sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa 2023 na nagsimula noong July 31 hanggang noong August 5.

Kabilang sa mga naserbisyuhan ng libreng sakay ng halos isang linggo ay ang mga coach, national at local committee members, volunteers, technical workers, mga opisyal, medical staff at accredited media.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, maituturing din nila itong tagumpay dahil sa pamamagitan ng libreng sakay naging bahagi ang kanilang pamunuan sa Palarong Pambansa 2023.

Sa kabilang banda, nasa 508 persons with visual impairment ang nakatanggap ng libreng sakay sa LRT-2 mula August 1 hanggang 6, bilang paggunita ng White Cane Safety Day.

Nakinabang din sa libreng sakay ang isang companion o kasamang pasahero ng person with visual impairment.

Nangangako ang Light Rail Transit Authority na kanilang pang paiigtingin ang kanilang serbisyo para sa ikabubuti ng mga mananakay.

Top