
Muling nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng mahigit 1,000 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DoH, nasa 1,483 ang bagong naitalang kaso ng nakamamatay na virus habang ang active tally ay lumobo na sa 17,994.
Ito na ang ikalawang araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit 1,000 COVID-19 cases habang ang active tally ay tumaas din mula sa dating 17,426.
Base naman sa data ng DoH, sa ngayon ay pumalo na ang nationwide tally sa 4,045,358.
Sinabi naman ng Health Department na ang recovery tally ay nasa 3,962,544 habang ang death toll ay nasa 64,820 matapos maidagdag ang karagdagang 26 na nasawi dahil sa virus.
Samantala, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang mayroong pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 5,424.
Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,153; Central Luzon na may 1,080; Western Visayas na may 880 at Cagayan Valley na may 779.










