Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) sa halos 1000 kaso ng vote buying sa nakalipas na halalan.
Ayon kay Comelec Commissioner George DErwin Garcia, nag-isyu ang poll body ng subpoenas sa mga respondents para magpaliwanag hinggil sa vote buying incidents.
Sa kaso naman ng disqulaification may kaugnayan sa fraud at iregularidad, naisumite na ang mga kaso para sa reolution matapos na irequire sa mga respondents na maghain ng kanilang kasagutan.
Ang imbestigasyon naman sa iba pang kaso sa election fraud katulad ng nakitang mga data breach at umano’y ilang election paraphernalia na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Cavite ay nagpapatuloy subalit tiniyak ng poll body sa publiko na ito ay magiging transparent sa kanilang imbestigasyon sa naturang mga kaso.
Nauna ng kinumpirma ng Comelec ang data breach sa sistema ng Smartmatic ang automated elections technology provider ng poll body sublait iginiit na ang leaked information ay walang kaugnayan sa eleksiyon.
Habang nadiskubre naman ang election paraphernalia na improperly disposed sa isang bakanteng lote sa may Amadeo, Cavite.
Hindi pa naglalabas sa nagyon ng komento ang F2 logistics, ang logistic partner ng Comelec hinggil sa naturang isyu.
Sinabi din ni Garcia na wala silang natatanggap na anumang vote shaving complaints.