-- Advertisements --
image 16

Tinatayang aabot sa P15 million ang halaga ng pinsala ng sunog na sumiklab sa dalawang palapag na warehouse ng plastic products sa Quezon city nitong gabi ng Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa Miller Street sa Barangay Bungad sa QC dakong alas-6:36 ng gabi.

Itinaas sa second alarm ang sunog dakong alas-6:52 ng gabi at idineklarang under control bandang alas9:26 ng gabi.

Ayon naman sa mga imbestigasor ng QC Fire District, nagsimula ang sunog sa ground floor ng warehouse na gawa sa wooden material at naglalaman ng produktong plastic kayat mabilis na natupok at tinutukoy pa kung paano nagsimula ang sunog.

Hindi naman nadamay sa sunog ang mga strukurang malapit sa warehouse at wala ding naitalang casualties sa insidente.