-- Advertisements --

CEBU CITY – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagbagsak ng isang gyrocopter sa Barangay Jampang, Argao, Cebu, kung saan patay ang foreign national na piloto.

Batay sa inisyal na report mula sa Argao Police Station, na-rescue umano ng team mula sa Disaster Risk Reduction Management Office ang piloto na kinilalang si Ferris Kauley kahapon.

Isinugod sa pagamutan ang nasabing banyaga ngunit pumanaw ito kinalaunan at idineklarang dead on arrival.

Kabilang sa mga anggulong tinitingnan ay ang pagkasabit ng naturang sport aircraft sa isang puno.

Kilala ang ganoong uri ng saksakyang himpapawid sa lugar dahil nirerentahan daw ito ng mga turista upang makita ang buong view ng Cebu.

Nakikipag-ugnayan na ang mga kapulisan sa mga kamag-anak ng piloto kasabay ng imbestigasyon ng nasabing insidente.