-- Advertisements --

BUTUAN CITY – SInibak na ni Atty. Alim Pangandaman, regional director ng Land Transportation Office o LTO-Caraga na nakabase sa lungsod ng Butuan, ang guwardiya na unang nilapitan ng isang Amerikano upang i-convert sana ang kanyang American driver’s license upang magamit dito sa Pilipinas.

Ginawa ang pagsibak matapos ma-interview ng Bombo Radyo si alyas Cris kaugnay sa pagtangka nitong mangikil sa kanya kung saan umani ito ng mga negatibong komento at pagkondena.

Ayon sa opisyal, ginawa ito matapos ang kanyang sariling imbestigasyon, kung saan nalaman nito’ng totoo nga ang naturang reklamo.

Hinikayat pa nito ang Amerikano na ituro ang umano’y mga empleyado nilang sangkot sa pangingikil sa kanya upang kaagad namang ma-aksyunan.

Habang patuloy din ang pag-aantay niya sa reklamante upang maituro ang medical clinic na humingi sa kanya ng 9,500-pisod para lang sa medical certificate.

Sakaling makumpirma umano ang alegasyon, irerekomenda aniya ang suspensiyon ng operasyon nito.