CAGAYAN DE ORO CITY -Nauwi sa madugo na bakbakan sa pagitan ng joint police-military operations laban sa suspected gun for hire na wanted ng kasong murder at frustrated murder ang simple lamang sana na pagsilbi ng warrant of arrest sa Barangay Dimayon,Tagoloan,Lanao del Norte.
Ito ay matapos lumaban ang suspek na si Mohammad Ali Abdulwahid alyas Muka, 39 anyos, may asawa at nagsilbing number 1 most wanted sa municipal level ng lugar nang matiwasay sana pinasuko ng mga otoridad dahil sa kinaharap ng mga kasong kriminal sa korte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Saad Salman na bago pa man mapasok ng mga pulis at sundalo ang lokasyon ng suspek ay agad na itong nagpagpapaulan ng mga bala gamit ang M-14 rifle.
Inihayag ni Salman na tinamaan agad si Patrolman Madi Saranggani ng Baloi Police Station bagkus ay hindi malubha kaya nagpalit ng istratehiya ang state forces para pakalmahin ang suspek.
Dagdag ng opisyal na dahil naiipit na ang suspek ay binaril nito ang paa ng sariling asawa na si Norhanie Palao at tuluyang ginawa na hostage upang hindi makalapit ang mga otoridad.
Natagalan pa ng halos 20 oras ang pakikig-negosasyon ng mga otoridad dahil sa iba’t-ibang hiniling ng suspek hanggang nag-desisyon ang PNP na tuluyang i-nuetralize.
Nasa ligtas ng kalagayan naman ang maybahay ng suspek ang pulis habang ginagamot sa ospital ng Iligan City.
Una rito mismo pa ang kaanak ni Abdulwahid na si Tagoloan Mayor Maminta Dimakuta ang humikayat nito kusang sumuko subalit hindi ito pinagbigyan kaya nangyari at nagtapos ang madugo na hostage drama.
Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang M14 rifle, caliber 45 pistol at MK2 fragmentation grenade sa pinangyarihan ng kremin.