Naglabas na ng guidelines ang Philippine National Police (PNP) sa paggawa, pagbebenta at pagamit ng firecrackers ngayong papalapit na ang Pasko at Bagong taon.
Ayon kay PNP Firearms Explosives Office Director BGen. Rommil Mitra, bawal ang firecrakers na may bigat na mahigit 1/3 teaspoon o more than 0.2 grams na explosives.
Bawal din ang sobrang laki o oversized na mga paputok, may fuse o mitsa na sobrang liit na nauubos sa less than three second at sobrang habang na may mahigit six seconds bago maubos.
Bawal din ang mga imported at walang label na paputok at mga paputok na may sulphur o phosphorous na inihalo sa chlorates.
Ilan sa mga halimbawa ng mga bawal ay ang watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang at iba pa.
Ayon naman kay PNP Spokesperson Col Rhoderick Augustus Alba, ipinag utos na ni PNP Chief General Dionardo Carlos sa mga pulis na makipag ugnayan sa mga Local Government unit para matukoy ang mga firecraker zone af kung saang mga lugar papayagang magbenta ng paputok.
Siniguro ng PNP na babantayang mabuti ang mga lugar na maaring magpaputok ngayong holiday season.
Mahigpit din ang gagawing inspection ng mga tauhan ng PNP FEO sa mga gumagawa at nagbebenta ng paputok.
Maaga na ring inilabas ng PNP FEO ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok upang hindi makalusot sa merkado.