-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nanawagan si retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa Judicial and Bar Council (JBC) na magsagawa ng mabusising interview sa mga nagnanais na maging comissioner.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guanzon, sinabi nito na hindi na niya nais pa na madagdagan ang kagaya ni Commissioner Aimee Ferolino na hindi umano marunong sumulat ng resolusyon.
Ayon kay Guanzon, dapat ay may sapat na practice of law sa korte ang nagnanais na maging comissioner taliwas kay Ferolino na may “backer” lang na politiko mula sa Davao kung kaya nakapasok sa Comelec.
Mahalaga aniya ang trabaho ng isang commissioner kagaya na lang ng pagsulat ng desisyon sa disqualification cases.