Magpapatuloy ang Government Service Insurance System (GSIS) sa pag i-invest sa mga state at private infastracture projects sa pamamagita ng loans at equities.
Sa isang press briefing ay sinabi ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso na ito ay bilang bahagi na rin ng kanilang pagtulong sa muling pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa kasabay na rin ng pagpapalago ng kanilang pondo.
Ito ang dahilan kung bakit kinokonsidera ngayon ng ahensya ang pag i-invest sa mga proyektong may kaugnayan sa telecommunications, food security, kuryente, power, diital infrastructure, medical services, transportasyon, at pabahay sa pamamagitan naman ng pag-aalok pa ng mga loans at pagbili ng shares para mapondohan naman itong mga infrastructure projects na ito.
Malaking tulong din kasi aniya para sa kanila ang mga infrastructure projects dahil sa mahabang term requirement nito na kanila namang kinakailangan upang mayroon silang mapaglagyan ng pera para magkaroon naman ng investment.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin ni Veloso na kaysa direkta nilang ibenta ang kanilang 65 big-ticket real estate properties ay plano na lamang nilang magkaroon ng joint ventures sa mga pribadong sektor kung saan hindi lamang presyo ang kanilang ibi-bid kundi pati na rin ang klase ng proyektong ilalaga dito at kung may benepisyo ba ito sa mga miyembro ng GSIS.