-- Advertisements --
Humingi ng pang-unawa ang grupo ng Medical Technologist sa bansa dahil sa mabagal na pagproseso ng RT-PCR results dahil marami sa kanila ang nadapuan rin ng COVID-19.
Aayon sa Philippine Association of Medical Technologist (PAMET) na karamihan sa mga kasamahan nila ay nakaranas ng mild to moderate symptoms.
Nauna ng sinabi ng Department of Health (DOH) na dahil sa maraming mga health care workers ang nadadapuan ng COVID-19 ay nagreresulta ito sa pagbagal ng paglabas ng resulta.
Hiniling din ng PAMET ang agarang paglalabas ng mga benepisyo para sa kanilang mga medtechs.










