Nanawagan ang grupo ng mga employers na kung maari ay huwag munang ipatupad ang pagtatas ng contributions ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Social Security System (SSS).
Sa susunod kasi na taon ay magtaas ng 1% ang SSS contribution na mula sa dating 13% ay magiging 14% na lamang ito.
Ang gradual na na pagtaas ng SSS contribution ay base na rin sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 na pirmado ni dating pangulong Rodrigo Duterte na itaas ng 15% ang contribution pagdating ng 2025.
Habang ang PhilHealth ay magtataas ng 4.5 % mula sa dating 4% lamang kung saan nakasaad sa universal healthcare law na target na maitaas ng 5% ang PhilHealth contribution pagdating ng 2024.
Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis na ang pagtaas ay pabor sa mga miyembro at hindi sa mga employers.
Dapat din na ipagpaliban ang nasabing pagtaas dahil sa karamihang mga negosyo ay nagbabalik lamang mula sa kanilang pagsasara ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.