BUTUAN CITY – Alerto pa rin hanggang sa ngayon ang Israel hindi lamang sa kanilang kalupaan, kundi pati na sa karagatan at himpapawid kahit na medyo kumalma ngayon angIran sa inilunsad nilang drone at missile attacks.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Shay Kabayan direkta mula sa Tel Aviv (tela-viv), na walang humpay pa rin ang pagliliparan ng mga warplanes ng Israel upang mabantayan ang posible pang mga drones at missiles na ititira ng Iran na hindi umano dapat na ipagkibit-balikat.
Aminado si Kabayan na nagulat siya sa kapasidad ng Iron Dome ng Israel dahil ito ang unang beses na kanyang nasaksihan sa loob ng iilang taon niyang paninirahan sa nasabing bansa, na na-intercept nito ang mahigit 200 mga drones at missiles na dati rati ay hindi aabot ng isang daan.