-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi na mauulit ang kumalat sa social media na grammatical at typographical errors sa ilang episodes ng test broadcast ng DepEd TV.

Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, natukoy na nila ang sanhi ng pagkakamali at may control measures na sila para hindi na ito mauulit.

Ayon kay Sec. Briones, galing sa curriculum ng group ng DepEd ang materyal at nagkaroon ng error o pagkakamali sa paglipat at pagkopya sa system.

Inihayag ni Sec. Briones na ito ang kagandahan ng pagsasagawa ng dry-run para makita ang problema at agad magawan ng solusyon.