Suspendido na ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na nasa Executive Branch simula alas 3:30 ngayong hapon.
Nakapaloob ito sa Memorandum Circular No. 80 na inilabas ng Malacañang at pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nag-uutos sa obserbasyon ng huling Linggo ng Setyembre bilang Family Week alinsunod sa Proclamation No. 60.
Sa pamamagitan ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day” ay suspendido ang trabaho ng mga kawani ng pamahalaan na nasa Executive Branch simula 3:30 mamayang hapon.
Gayunpaman, hindi naman saklaw ng memorandum ang mga ahensia ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahatid ng basic services, health services at ang nasa preparedness on disaster and calamities.
Hinihikayat naman ng Malacañang ang mga nasa pribadong sektor at iba pang sangay ng pamahalaan na i-obserba rin ang “Kainang Pamilya Mahalaga Day.”















