Hindi nagtutugma ang pananaw ng ilang senador sa dalawang committee report ukol sa PhilHealth related investigations.
Una na kasing nailabas ng committee of the whole ang kanilang ulat sa tatlong araw na pagsisiyasat.
Kung saan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III pa ang naglabas ng findings.
Pero naging palaisipan sa mga miyembro ng kapulungan nang sumunod na maglabas ng report si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, mula sa imbestigasyong naidaos noong nakaraang taon.
Dito ay may ibang personalidad pang pinakakasuhan, kasama na sina dating DoH Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad.
Pero hindi naman pinaburan ng ibang senador na maisama ang ulat ni Gordon sa findings ng committee of the whole.
Giit ni Sen. Panfilo Lacson, may proseso ang Senado sa paglalabas ng report at hindi ito maaaring isama na lamang sa isyung nakasalang na sa plenaryo ng kapulungan.