Asahan na ng publiko ang mas maraming update sa iba pang karagatan o isla na sakop ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ay kasunod ng inilabas na kautusan ng Malacañang kung saan pinalalakas ang maritime domain awareness at maritime security ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ng opisyal na sa ilalim kasi ng Executive Order no. 57, pinalawak rin ang kapangyarihan ng National Maritime Council (NMC).
Ibig sabihin, sakop na ng tanggapan ang kabuuan ng Philippine matirime territory.
Malaking bagay aniya ito, lalo’t hindi lamang naman sa West Philippine Sea (WPS) mayroong hinaharap na hamon ang bansa.
Nariyan din aniya ang Benham Rise sa Silangan ng Pilipinas. Ang Batanes sa Hilaga, at ang Timog na bahagi ng bansa, na naka-harap sa Indonesia at Malaysia.
Lahat aniya ng mga lugar na ito ay nangangailangan ng maritime domain awareness, at dapat lamang palakasin ang maritime security, lalo’t hindi lamang naman sa WPS matatagpuan ang blue economy ng Pilipinas.