-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang NorthPort 131-106 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Mula sa umpisa pa lamang ng laro ay hindi na pinalamang ng Ginebra ang Batang Pier.
Bumida sa panalo ng Ginebra ang rookie na si RJ Abarrientos na nagtala ng 27 points habang mayroong 25 points si Jayson David.
Nagdagdag naman ng 17 points si Stephen Holt habang mayroong tig-15 points sina Japeth Aguilar at Troy Rosario.
Sinabi ni Ginebra head coach Tim Cone na hindi sila nawalan ng focus at ginawa nila ang lahat para manalo.
Hind naman umubra ang nagawang 19 points ni William Navarro at 17 points naman ni Sidney Onwubere.