-- Advertisements --

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Phoenix 102-93 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.

Naitabla ni RJ Abarrientos ang puntos sa natitirang 2:43 minuto kung saan lamang pa noon ang Phoenix ng walong puntos.

Mula ng maitabla ay nakontrol ng Gins ang laro at hindi na pinabayaan na makabangon pa ang Phoenix.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Abarrientos na mayroong 25 points habang mayroong 19 points si Scottie Thompson.