-- Advertisements --
Naitala ng Barangay Ginebra ang magkasunod na panalo matapos malusutan ang Phoenix 119-112 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Limang manlalaro ng Ginebra ang nagtala ng double digit na score sa pangungunani RJ Abarrientos na mayroong 25 points habang mayroong 24 points si Japeth Aguilar.
Nag-ambag naman ng 17 points, 13 assists naman si Scottie Thompson habang mayroong 19 points si Stephen Holt at 15 points ang naibuslo ni Jamie Malonzo.
Hindi naman umubra ang nagawang 28 points, limang rebounds at apat na assists si Jason Perkins habang mayroong 18 points si RJ Jazul habang nakapag-ambag ng 17 points si Kenneth Tuffin para sa Fuel Masters.