Naiwasan ng Barangay Ginebra na ma-upset ng Blackwater Bossing 90-87 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena sa Pasig City.
Pingaunahan ni Tony Bishop ang Ginebra na nagtala ito ng 25 points, 11 rebounds, dalawang steals, isang assist at isang block.
Habang mayroong 20 points, anim na assists, at limang rebounds si Mav Ahanmisi at 16 points, 12 rebounds at anim na assists si Christian Standhardinger.
Sa unang dalawang quarter ay hawak ng Blackwater ang kalamangan hanggang sa pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Ginebra.
May tsansa pa sana ang Blackwater na madala sa overtime ang laro kung saan lamang ng tatlong puntos ang Ginebra sa natitirang 4.6 segundo subalit hindi naipasok ni Chris Ortiz ang kaniyang three points.
Ito na ang pang-apat na talo ng Blackwater habang ang Ginebra ay mayroong tatlong panalo at isang talo.