-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Patay ang isang ginang matapos mabangga ng isang poultry truck ang sinasakyang tricycle sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay Plt. Col, Benjamin Zarate ang syang OIC ng Mangaldan Police Station, nakatanggap sila umano ng tawag galing sa isang concerned citizen at bukod doon ay nakarinig ng malakas na impact ang isa sa kanyang personnel.

Tumilapon ang mag asawang sakay ng tricycle na sina Orlando Ortiguero at Magdalena Ortiguero na residente ng Brgy. Caloocan Manaoag.

Sa kasamaang palad, namatay si Magdalena habang sugatan naman si Orlando.

Habang ang sakay naman ng poultry truck na si Manuel Ragasa, Rommel Cabigon at si Isagani Salonga na mga kapwa residente ng San fabian ay patuloy naman na nagpapagamot sa pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.

Paalala naman ng otoridad sa mga byahero na ibayong pag-iingat ang kailangan , palaging icheck ang minamanehong sasakyan at tignan mabuti ang kalsada.