-- Advertisements --
gilas asian games 2023.jpg scaled 1

Matapos ang kampanya nila at nakuha ang hinihintay na ginto sa nakaraang Asian Games ay magbabanggaan naman ngayon ang mga gilas players sa nalalapit na pagbubukas ng Season 48 simula sa Commissioner’s Cup sa Nobyembre 5 sa Smart-Araneta Coliseum.

Pinangungunahan ni June Mar Fajardo ng San Miguel kasama sina Chriss Ross, Marcio Lassiter at CJ Perez.

Sa kabilang banda naman ang reigning Commissioner’s Cup champion na Barangay Ginebra na sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar habang ang naturalized player ng Gilas na si Justin Brownlee ay pansamantala munang palitan.

Sa Meralco naman si Chris Newsome, Northport si Arvin Tolentino, NLEX si Kevin Alas, Talk ‘N Text si Calvin Oftana.

Nakatakdang magsisimula sa Nobyembre 5, 2023 ang Season 48 ng Philippine Basketball Association (PBA).

Bago ang opening ceremonies alas singko ng hapon ay magbibigay muna ang PBA ng awards alas kwatro ng hapon para sa mga outstanding na basketbolista noong Season 47 sa kanilang 47th Season Leo Awards.

/ Tropio Anuada /