-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng FIBA 3×3 Asia Cup ang Gilas Pilipinas Women.

Ito ay kahit na bigo sila sa Australia sa score na 21- 10 laro na ginanap sa Singapore.

Sa unang bahagi ng laro ay hawak ng Pilipinas ang kalamangan 4-2 hanggang ginamit ng Australia ang kanilang tangkad at liksi para tuluyang maipanalo ang laro.

Bago nito ay tinalo ng Gilas Womens ang Tonga 19-10.

Nanguna sa panalo ng Gilas Women si Kacey Dela Rosa na nagtala ng walong puntos at pitong rebounds.

Gaganapin naman sa araw ng Linggo ang laban nila kontra sa Mongolia.