-- Advertisements --
Umangat ang puwesto ng Gilas Pilipinas sa FIBA Men’s World Ranking.
Ang nasabing pag-angat ng ranking ay dahil sa magkasunod na panalo nila sa first window ng 2025 Asia Cup Qualifiers noong nakaraang buwan.
Nasa pang-37 na ngayon ang puwesto ng Gilas Pilipinas habang ang South Korea ay nasa pang-50.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na ang panalo nila noong nakaraang buwan ay isang simula lamang dahil sa marami pang mga mabibigat na koponan ang kanilang makakaharap sa Olympic Qualifying Tournament.
Sa Olympic Qualifying tournament ay makakaharap nila ang Latvia at Georgia sa buwan ng Hulyo.
May mga nakatakdang friendly games din sila sa Lithuania, Slovenia at Czech Republic kung saan kanilang inaayos na ang mga schedule.