-- Advertisements --
image 495

Positibo pa rin ang Gilas Pilipinas na mapagbibigyan ang kahilingan ng ng team na maipasok ang ilan nilang manlalaro.

Ito ay kasunod na rin ng paghahain ng Team Gilas ng apela na pagbigyang makapaglaro sina Calvin Abueva at Jason Perkins sa 12-man roster.

Ang Dalawang player ay bilang kapalit nina Brandon Ganuelas-Rosser at Jamie Malonzo

Hindi isinama sina Malonzo at Rosser sa listahan ng Gilas, dahil sa kanilang mga injury.

Bukod pa kina Abueva at Perkins ay umaasa si Gilas head Coach Tim Cone na maisama rin sa line-up sina Terrence Romeo at Mo Tautuaa.

Ngayong araw ay nakatakdang magtungo si Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino sa Hangzhou upang personal itong hilingin sa Asian Games Organizing Committee.

Samantala, kung sakali namang hindi mapagbigyan ang kahilingan ng bansa, hanggang walo na lamang ang maglalaro sa ilalim ng Gilas Pilipinas.