-- Advertisements --
Pinahiya ng Gilas Pilipinas ang host country na Vietnam 88-60 sa kanilang paghaharap sa basketball match ng nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito na rin ang pang-apat na panalo ng Gilas na sila ang defending champion.
Nanguna sa panalo ng Gilas si PBA six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo na nagtala ng 25 points at 11 rebounds.
Nag-ambag naman ng tig-12 points sina Kiefer Ravena at Francis Lopez.
May dalawang laro pa ang Gilas at ito ay ang Malaysia na mayroon ng isang panalo at dalawang talo at ang Indonesia na mayroong tatlong panalo at wala pang talo.
Magpapahinga pa ang Gilas nitong Biyernes at itutuloy ang nasabing mga laro sa araw ng Sabado.