-- Advertisements --
Nabigo ang Gilas Pilipinas laban sa Mexico 84-77 sa kanilang huling tune-up games bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup.
Sa nasabing close-door game ay hindi naglaro sina Jordan Clarkson, Thirdy Ravena at Ray Parks Jr sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig.
Nasayang ang nagawang 14 points, anim na rebounds at limang assists si Scottie Thompson habang mayroong tig siyam na puntos sina Roger Pogoy at Dwight Ramos.
Nagtabla pa sa 51 ang laro sa pagtatapos ng first half pero mabilis na nakakuha ng kalamangan ang Mexico pagpasok na ng third quarter.
Nasa Group D ang Mexico sa FIBA World Cup kasama ang Egypt, Montenegro at Lithuania kung saan unang laro nila ay kontra sa Montenegro sa Agosto 25 sa Mall of Asia Arena.