-- Advertisements --

Nagpasya na si German Chancellor Olaf Scholz na magpadala ng Leopard 2 na tanke sa Ukraine.

Dahil sa ginawa na ito ng Germany ay susunod na rin ang ibang mga bansa na magpadala ng tangke sa Ukraine.

Una ng nag-aalangan ang Germany na magpadala ng tangke sa Ukraine dahil sa pangamba na baka lalong lumala ang kaguluhan doon.

Magugunitang hinikayat ng maraming mga bansa ang Germany na magpadala ng tangke para tuluyang mabawi ng Ukraine ang teritoryo nila na sinakop ng Russia.

-- Advertisement --