-- Advertisements --
Gazini Sinulog

Nagpahayag ng excitement si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados para sa nalalapit na Sinulog 2020 sa Lungsod ng Cebu.

Ito’y bagama’t enjoy pa ito sa kanyang bakasyon sa Amerika, kasunod ng bigong back to back win pero nasungkit ang Top 20 finish sa Miss Universe coronation noong nakaraang buwan.

Sa kanyang latest picture, nasa Morro Bay sa California ang Fil-Palestinian beauty pero ang caption nito ay “Who’s excited for Sinulog ‘20? 🙋🏻‍♀️”

Kung maaalala, si Ganados ay ipinanganak sa Zamboanga City pero lumaki sa Cebu.

Sa report ng Bombo Radyo Cebu, pinaplantsa na ng Sinulog Foundation Inc. (SFI) ang lahat ng aktibidad para sa nasabing festival.

Isa na rito ay ang inaabangang grand parade sa darating na Enero 19 kung saan maglalaban-laban ang 26 contingents mula sa Cebu at mga karatig nitong lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay SFI Executive Director Elmer “Jojo” Labella, ang naturang bilang ay itinakda batay sa naging request ni Mayor Edgardo Labella upang matapos hanggang alas-7:00 lang ng gabi ang malaking parada.

Ipapakita aniya ng 26 contingents sa ilalim ng Sinulog-based at free interpretation categories, ang de kalidad nilang performance bilang alay kay Señor Sto. Niño.

Nakahanda na rin ang iba pang mga activities alinsunod sa pista ng Sinulog simula sa Enero 10 gaya ng Sinulog sa Kabataan, Sinulog sa Barangay, Sinulog sa Palaboy, at marami pa.